Panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience pinamamadali na ni Rep. Salceda

By Erwin Aguilon December 04, 2019 - 09:32 AM

Sorsogon PIO | Atty. Adrian Alegre

Pinamamadali na ni Albay Rep. Joey Salceda sa Kamara at Senado ang pagpasa sa panukala para sa paglikha ng Department of Disaster Resilience.

Ayon kay Salceda, kung maitatatag ang DDR ay magkakaroon na rin ng autonomous system ang Office of Civil Defense (OCD) kung saan magiging tuluy-tuloy ang palitan ng komunikasyon at para rin malaman kung anong tulong ang kinakailangan na ipadala sa mga lugar na binagyo.

Bukod dito ay isasabay din ang upgrade sa mga kagamitan na ginagamit sa pagmomonitor sa anumang uri ng kalamidad.

Binigyang diin pa ni Salceda na mahalaga na magkaroon agad ng DDR upang may iisang ahensya na magbabaston o magbibigay ng command kung saan magiging centralize ang operasyon para sa relief, rescue, response, recovery at rehabilitation sa mga sinalanta ng kalamidad.

Naging malaking problema din anya ngayon sa mga lugar na binabagyo ang kawalan ng sistema ng komunikasyon at kakulangan ng mga pasilidad ng mga OCDs sa bawat rehiyon para makapaghatid ng update sa mga lalawigang sinalanta ng kalamidad.

Ang nasabing panukala ay nakapasa na sa komite sa Kamara habang ang counterpart bill ay nakabinbin pa sa komite sa Senado .

TAGS: Department of Disaster Resilience, Office of Civil Defense, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Department of Disaster Resilience, Office of Civil Defense, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.