Bagyong Tisoy nagpapaulan sa Cagayan, Apayao at Isabela
Ang mga lalawigan naman sa northern Luzon ang naaapektuhan ngayon ng pag-ulan na dulot ng bagyong Tisoy.
Sa heavy rainfall advisory ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga nakataas ang yellow warning level sa mga sumusunod na lugar:
– Cagayan
– Apayao
– Isabela (San Maria, San Pablo, Delfin Albano, Maconacon, Ilagan at Cabagan)
Nakararanas ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar sa pinagsamang epekto ng bagyong Tisoy at Amihan.
Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa sumusunod na mga lugar:
– Camiguin Island
– Fuga Island
– Abra (Tineg)
– Ilocos Norte (Adams, Banna, Badoc, BatacCity, Carasi, Dingras, Pagudpud, Paoay, Piddig, Pinili, Sarrat at Vintar)
– Isabela (Alicia, Angadanan, Benito Soliven, Cauayan City, Dinapigue, Echague, Gamu, Jones, Luna, Mallig, Naguilian, Palanan, Quezon, Quirino, ReinaMercedes, Roxas, San Agustin, San Guillermo, San Manuel at San Mariano)
– Mountain Province (Natonin at Paracelis)
Pinapayuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto at mag-ingat sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.