#TisoyPH isa na lang Severe Tropical Storm; Signal No. 3 inalis na ng PAGASA
Lalo pang humina ang Bagyong Tisoy at ngayon ay isa na lamang itong Severe Tropical Storm.
Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 275 kilometro Kanluran Hilagang-Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro o 195 km Kanluran Timog-Kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay na lang nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 100 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 km bawat oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 km kada oras.
Wala nang lugar na nasa ilalim ng Tropical Cylone Warning Signal no. 3 dahil sa paghina ng bagyo.
TWCS no. 2 ang nakataas sa:
– Southern Zambales (Castillejos, Olongapo City, San Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso at Subic)
– Bataan
– western Cavite (Alfonso, Gen. Emilio Aguinaldo, Magallanes, Maragondon at Ternate)
– western Batangas (Calaca, Balayan, Tuy, Calatagan, Lian at Nasugbu)
– at northwestern Occidental Mindoro including Lubang Island (Abra de Ilog, Looc, Lubang, Mamburao at Paluan)
Nasa ilalim ng signal no. 1 ang:
– Metro Manila
– western Quezon (Dolores, Tiaong, Candelaria, Sariaya at San Antonio)
– Laguna
– Rizal
– nalalabing bahagi ng Batangas
– nalalabing bahagi ng Cavite
– Northern Palawan kasama ang Calamian Islands (El Nido, Coron, Busuanga, Culion at Linapacan)
– southwestern Bulacan (Hagonoy, Paombong, Malolos City, Bulakan, Obando, Meycauayan City, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Pulilan, Baliuag, Bustos, Pandi
– Sta. Maria, San Jose Del Monte City)
– western Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca, Lubao, Guagua, Sta. Rita, Bacolor, San Fernando City, Sto. Tomas, Minalin, Macabebe, Sasmuan, Masantol, Apalit at San Simon)
– western Tarlac (Mayantoc, San Jose, Capas, Bamban)
– nalalabing bahagi ng Zambales
– Oriental Mindoro
– at nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
Ngayong araw, katamtaman na may paminsan-minsang may kalakasang mga pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora dahil sa pinagsamang epekto ng bagyo at Northeast monsoon o Amihan.
Posibleng hindi na maranasan ang mga pag-ulan sa ilang lugar na nasa ilalim ng storm warning signals dahil wind impact ang sinusukat dito ayon sa PAGASA.
Inaasahang tuloy-tuloy na hihina ang bagyo bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.