2 patay sa pananalasa ng Bagyong #TisoyPH sa Oriental Mindoro
Dalawang lalaki ang nasawi sa paghagupit ng Bagyong Tisoy sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Hurmelito Dolor, isang 59-anyos na lalaki ang nabagsakan ng puno sa bayan ng Baco at kinilala itong si Ildefonso Delos Santos.
Ang isa naman na kinilalang si Dominador Lazo ay nabagsakan ng lumipad na kahoy sa bayan ng Pinamalayan.
Giit ng gobernador, maaaring mas maging malala pa ang casualty kung hindi nagpatupad ng preemptive evacuation.
Wala namang naitalang nasugatan at nawawalang mga indibidwal.
Isinailalim ang lalawigan sa signal no.3 kung saan direkta ring naramdaman ang epekto nito.
Maraming puno ang nabuwal at maraming mga bahay at istukrutura ang nasira.
Naputol din ang suplay ng kuryente makaraang mapinsala ang ilang mga poste.
Ngayong araw, hihilingin ni Dolor sa Sangguniang Panlalawigan ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Oriental Mindoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.