Ika-52 Malasakit Center binuksan sa Malabon
Sa kabila nang banta ng masamang panahon dulot ng bagyong Tisoy ay tuloy sa pagdalo si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa pagbubukas ng ika-52nd Malasakit Center sa bansa, araw ng Martes, December 3, sa Ospital ng Malabon sa Malabon City.
Pinangunahan ang paglulunsad ng Malasakit Center ni Sec. Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV), ang ka-partner ng Office of the Special Assistant to the President sa mga naunag pagtatatag ng Malasakit Centers noong si Go ay nasa executive branch pa ng gobyerno.
Ang centers ay nagsisilbi bilang one-stop-shop para sa easy access sa government medical financial assistance para sa mga nangangailangan na mga Filipino lalo na ang mga kapos-palad na mga pasyente.
Nakapaloob sa Malasakit Center’s ang mga ahensiya na katulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa kanyang mensahe, inalala ng senador kung paano nabuo ang konsepto ng
Malasakit Center program para mapaganda ang access ng Filipinos sa dekalidad at episiyenteng healthcare services mula sa gobyerno.
“Noong mayor pa si Pangulong Duterte ng Davao City, maraming lumalapit sa kanya, humihingi ng tulong. Kahit hindi taga-Davao, lalapit kay mayor, may dalang bill ng hospital,” Sabi ni Go.
“Pero sabi ng Commission on Audit (COA), bawal gamitin ang pera ng Davao sa mga hindi taga-Davao. Doon ko nakita ang puso ni Pangulong Duterte sa mga nangangailangan ng tulong. Sabi sa akin ng Pangulo, ‘Bong, hanapan mo ng paraan. Kahit taga-saan yan, para sa akin, Pilipino rin ang mga ‘yan,'” dagdag pa nito.
“Sabi ko, ano ba ang pwede nating konsepto para hindi na pahirapan ang ating mga kababayan? Ganito po nabuo ang konsepto ng Malasakit Center,” Paliwanag ng senador.
Aniya, madali lamang ang gagawin ng mga pasyente o ng kanilang mga kinatawan, kailangan lamang nila sagutan ang single form para nakakuha ng medical assistance. Ang mga Senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ay may sarili ding express lane sa loob ng centers na nasa gusali lamang ng Ospital.
“Zero balance po ang target natin dito. May express lane din po para sa mga senior citizens at PWDs,” Sabi ni Go said, kasabay nang pagsasabi na lahat ng Filipino ay maaring makakuha ng ayuda mula rito.
Iginiit ng senador, “Basta Pilipino ka, qualified kang lumapit sa Malasakit Center. Pera po ninyo ito. Inyo po ito,”
At para masiguro na lahat ng government hospitals ay magkakaroon ng kanilang sariling Malasakit Centers, naghain si Go noong Hulyo ng Senate Bill (SB) No. 1076, mas kilala sa “Malasakit Center Act of 2019”, na naglalayung ma-institutionalize ang pagtatatag ng Malasakit Centers sa lahat ng 73 hospitals na pinatatakbo ng DOH maging ng Philippine General Hospital sa Manila.
Inaprubahan ang panukala sa third and final reading sa Senado noong November 11 kung saan nakakuha ng affirmative votes, habang sa Kamara naman ito ay inaprubahan noong November 18.
Sa ilalim ng panukala, ang mga hospitals na pinatatakbo ng local government units (LGUs) habang ang iba pang public hospitals ay maaring maglagay ng kanilang sariling Malasakit Centers, basta’t masusunod nila ang standard para sa set of criteria and guarantee, may sapat na pondo para patakbuhin ang kani-kanilang centers, Kabilang na ang maintenance, personnel at staff training, at Marami pang iba para masiguro ang sustainability and consistency ng mga serbisyo ng centers.
Samantala, Martes ng gabi ng December 3, 2019 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ang Malasakit Center act of 2019 sa palasyo ng Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.