Pag-deputize sa AFP, PNP sa plebisito sa Compostela Valley, aprubado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 03, 2019 - 03:34 PM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deputation ng mga sundalo at pulis para masiguro na magiging maayos ang plebisito sa Compostela Valley sa December 7.

Ito ay para sa implementasyon ng Republic Act no. 11297 o ang pagbabago ng pangalan ng probinsya sa Compostela Valley bilang probinsya ng Davao de Oro.

Una rito, humingi ng tulong ang Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para bantayan ang plebisito.

Base sa memorandum order number 42, inaatasan nito ang PNP at AFP na makipag-ugnayan sa Comelec.

Nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte ang Proclamation 865 na nagdedeklara na special non-working holiday sa Compostela Valley para hayaang makalahok ang mga residente roon sa plebisito.

TAGS: AFP, compostela valley, plebisito, PNP, Rodrigo Duterte, AFP, compostela valley, plebisito, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.