BREAKING: Pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila suspendido na mula 12NN

By Chona Yu December 03, 2019 - 11:26 AM

(UPDATE) Suspendido na mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Dec. 3 ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.

Inanunsyo ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nakararanas na kasi ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan dahil sa Typhoon Tisoy.

Sa forecast ng PAGASA, simula ngayong tanghalo hanggang gabi ay uulanin ng malakas ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito.

Base sa memorandum circular number 73 na nilagdaan ni Executive secretary Salvador medialdea, sinuspinde ang trabaho sa pamahalaan base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Gayunman, hindi saklaw ng memorandum ang mga tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbiigay ng basic at health services, preparedness at response teams.

Una nang nagsuspinde ng pasok sa Kamara at maging ang Korte Suprema ay nag-anunsyo din ng suspensyon sa trabaho sa mga korte sa NCR.

Ipinauubaya naman ng palasyo sa mga pribadong kumpanya ang pagsuspinde sa kani-kanilang trabaho.

TAGS: #TisoyPH, government work, Malacanan, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, work suspension, #TisoyPH, government work, Malacanan, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.