DOE nagpalabas ng energy safety tip sa pananalasa ng bagyong Tisoy
Dahil sa inaasahang pananalasa ng Typhoon Tisoy ngayong maghapon sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan naglabas ng energy safety tips ang Department of Energy (DOE).
Narito ang mga paalala at payo ng DOE sa publiko:
– Tiyaking fully charged ang mga flashlights at spare batteries
– Iwasan ang gumamit ng kerosene-fueled na lampara lalo na sa gabi dahil maari itong pagmulan ng sunog
– Iwasan ang humawak sa electrical appliances kapag basa ang kamay
– Laging mag-ingat sa paggamitn ng electrical appliances na malapit sa water sources. Huwag na itong gamitin kapag nalubog sa tubig-baha
– Huwag lumapit sa power lines
– Pagkatapos ng pagbaha tiyaking gumagana ng maayos ang fuse bago ito buyksan
– Huwag gamitin ang anomang de-kuryenteng appliances kapag nabasa na ito hangga’t hindi nasusuri ng technician.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.