Zero casualty nakamit sa Legazpi City matapos manalasa ang bagyong Tisoy
Walang naitalang nasaktan o nasawi sa pananalasa ng Typhoon Tisoy sa Legazpi City.
Bagaman may mga pinsala sa ari-arian ay nakamit ang target na zero casualty sa lungsod.
Pinasalamatan ni Mayor Noel Ebriega Rosal ang Armed Forces of the Philippines (AFP), city disasters risk reduction and management council (CDRRMC), at ang DILG sa pagtulong sa paglilikas sa mga residente.
Pinasalamatan din ni Rosal ang mga opisyal ng barangay sa pakikiisa sa ipinatupad na preemptive evacuation.
Kabilang sa napinsala sa Legazpi City ay ang Legazpi Airport.
Sa mga larawang ibinahagi sa social media ay kitang bumagsak ang kisame ng paliparan bunsod ng lakas ng hanging dala ng Typhoon Tisoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.