Pasok sa mga korte sa NCR suspendido na mula mamayang tanghali

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 09:35 AM

Suspendido na simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw ang pasok sa mga korte sa Metro Manila.

Sa abiso ng Supreme Court – Public Information Office (PIO) mula alas 12:00 ng tanghali pwede nang umuwi ang mga empleyado sa lahat ng korte sa National Capital Region.

Sakop ng suspensyon sa trabaho ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan gayundin ang lahat ng mababang korte.

Ang suspensyon ay bunsod ng inaasahang pananalasa ng bagyong Tisoy sa Metro Manila.

Ipinaubaya naman ni Chief Justice Diosdado Peralta sa mga Executive Judges ng mga korte sa labas ng Metro Manila ang pag-aanusnyo ng suspensyon sa kanilang mga nasasakupan.

TAGS: #TisoyPH, lower courts, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, weather, #TisoyPH, lower courts, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.