Mahigit 6,000 pasahero stranded sa mga pantalan – Coast Guard
Umabot na sa mahigit 6,000 mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Typhoon Tisoy.
Ayon sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG) mayroong 6,449 na stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, Eastern Visayas at Southern Visayas.
Pinakamaraming stranded na naitala sa Port of Matnog sa Sorsogon na umabot sa 2,223.
Maliban sa mga pasahero, suspendido din ang operasyon ng 1,543 na rolling cargoes, 126 na barko at 63 motorbancas.
Mayroon namang 234 na barko at 124 motorbancas na tumigil muna sa paglalayag at nagkanlong sa mas ligtas na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.