Sa pagtatapos ng Day 2 ng 2019 SEA Games, Pilipinas mayroon nang 75 medalya

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2019 - 08:05 AM

Sa pagtatapos ng day 2 ng 2019 Southeast Asian Games, umabot na sa 75 ang nahakot na medalya ng Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 39 ang gintong medalya, 22 ang silver at 14 ang bronze.

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa medal tally.

Samantala, pumapangalawa naman ang Vietnam na mayroon nang 51 medalya – 15 ang ginto, 20 ang silver at 16 ang bronze.

Ang Malaysia ang nasa ikatlong pwesto na mayroong 51 medals, 15 ang ginto, 20 ang silver at 16 ang bronze.

Ikaapat ang Indonesia na mayroong 29 medals – 6 ang ginto, 11 ang silver at 12 ang bronze.

Nasa panglima ang Singapore na mayroong 33 medalya – 3 ang ginto, 7 ang silver at 8 ang bronze.

Ang iba pang nasa ibabang pwesto ay ang Brunei Darussalam, Cambodia, Myanmar, Laos at Timor-Leste.

TAGS: 2019 SEA Games, medal tally, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 SEA Games, medal tally, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.