SEA countries, namangha sa SEAG opening ceremony
Tuwang-tuwa ang Palasyo ng Malakanyang dahil maging ang ibang bansa ay bumilib sa opening ceremony ng 30th Southeast (SEA) Games.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi makakalimutan at magiging bahagi ng kasaysayan ang pagbubukas ng torneo noong Sabado, November 30.
Aniya, kapuri-puri ang ginawa ng PHISGOC sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sa inilabas na ulat ng The Strait Times ng Singapore, nabanggit na nabura ng opening ceremony ang mga naglabasang negatibong ukol sa paghahanda sa SEA Games.
Nabanggit na tumaas ang pamantayan ng opening ceremony sa biennial regional sports meet para sa mga susunod na magiging hosts.
Inaasahan rin na wala ng magiging aberya sa torneo hanggang sa matapos ito at makaalis na ang mga bumisitang banyagang delegado at ang mga atleta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.