Mga kongresista walang usap-usapan para patalsikin si Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon December 02, 2019 - 08:24 AM

Walang nakikitang anumang hakbang sa Mababang kapulungan ng Kongreso para patalsikin si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ayon kay House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert Ace Barbers ay sa gitna ng mga aberya sa paghahanda sa 30th SEA Games.

Sinabi ni Barbers na wala siyang nakikita o naririnig at nararamandaman na magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Kamara.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy anya ang commitment ng mga kongresista at sa tingin niya tuloy pa rin ang usapang lalaki tungkol sa term sharing sa pagitan ni Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Nilinaw naman ni Barbers na natural lamang sa pagho-host ng isang bansa sa isang sporting event na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at walang organizing committee ang hindi dumaan sa anumang “glitches”.

Sa kabila nito ay posible anya na magkaroon ng imbestigasyona ng Kamara tungkol sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa SEA Games.

TAGS: 30th SEA Games, Alan Peter Cayetano, HOR, Kamara, Rep. Barbers, sea games, 30th SEA Games, Alan Peter Cayetano, HOR, Kamara, Rep. Barbers, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.