WATCH: Mga dilengkwenteng may-ari ng POGO, maaring makulong o ma-deport kapag hindi nagbayad ng buwis

By Chona Yu December 01, 2019 - 05:39 PM

Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte na magalit ang China sa Pilipinas kapag ipinasara ng pamahalaan ang mga delingkwenteng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na pag aari ng mga negosyanteng Chinese.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa mga POGO na magbayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa loob lamang ng tatlong araw.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na batid naman ng China kung ano ang legal at hindi ilegal.

Sumusunod aniya ang China sa mga tamang pamamaraan gaya ng tamang pagbabayad sa buwis.

Tiniyak naman ni Panelo na kulong o deportation ang maaring kaharapin ng mga Chinese na hindi nagbabayad ng buwis sa Pilipinas.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: BIR, buwis, China, chinese, Pilipinas, POGO, Sec. Salvador Panelo, BIR, buwis, China, chinese, Pilipinas, POGO, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.