Typhoon Tisoy bahagyang humina; Signal No. 2 nakataas na sa ilang lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2019 - 12:01 PM

Bahagyang humina ang Typhoon Tisoy habang patuloy na kumikilos pa-Kanluran.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 705 kilometers East ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 170 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Cignal Number 2 sa Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar.

Signal Number 1 naman sa sumusunod na mga lugar:

– Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island
– Marinduque
– Romblon
– Aklan
– Capiz
– northern Iloilo (Ajuy, Anilao, Balasan, Banate, Barotac Viejo, Batad, Bingawan, Calinog, Carles, Concepcion, Dingle, Duenas, Estancia, Lambunao, Lemery, Passi City, San Dionisio, San Enrique, San Rafael, Sara)
– northern Antique (Culasi, Libertad, Pandan, Sebaste, Tibiao)
– northern Negros Occidental (Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, Manapla, Sagay City, Silay City, Toboso, Victorias City)
– northern Cebu (Asturias, Bantayan, Bogo City, Borbon, Carmen, Catmon, Daanbantayan, Danao City, Madridejos, Medellin, Pilar, Poro, San Francisco, San Remigio, Santa Fe, Sogod, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Tudela)
– Samar
– Biliran
– Camotes Island
– Leyte
– Southern Leyte
– Dinagat Islands

Sa susunod na weather bulletin na ilalabas ng PAGASA, magtataas na rin ng Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Aurora
– eastern portion ng Nueva Ecija
– Rizal
– Bulacan
– Bataan
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Metro Manila
– Mindoro Provinces
– Guimaras
– nalalabing bahagi ng Antique
– nalalabing bahagi ng Iloilo

Inaasahang tatama ang bagyong Tisoy sa kalupaan ng Bicol Region bukas ng gabi o sa Martes ng umaga.

TAGS: #TisoyPH, Pagasa, Typhoon, weather, #TisoyPH, Pagasa, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.