Seguridad sa Philippine Area para sa SEA Games opening ceremony, mahigpit na
Mahigpit na seguridad na ang ipinatutupad sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kung saan gaganapin ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Sa labas pa lamang ng Arena, naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang security personnel.
Bandang 7:00 ng gabi, magbibigay muna ng mensahe sina House Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at Abraham Tolentino, president ng Philippine Olympic Committee at PHISGOC co-vice chairperson.
Susundan ito ng formal open declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagkatapos nito ay ang ilang performance para sa opening ceremony.
WATCH: Sitwasyon sa Philippine Arena para sa opening ceremony ng 30th SEA Games | @chonayu1 #SEAG2019xInquirer pic.twitter.com/bDBzB7AJnT
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 30, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.