2019 SEA Games pormal nang magsisimula ngayong araw

By Rhommel Balasbas November 30, 2019 - 06:18 AM

Ngayong araw na pormal na magsisimula ang 2019 Southeast Asian Games sa pamamagitan ng isang engrandeng opening ceremony sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC), plantsado na ang lahat para sa SEA Games at abangan na ang magarbong opening mamayang alas-7:00 ng gabi.

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng regional meet na gaganapin ang opening show sa isang indoor venue.

Kabilang sa mga magtatanghal mamaya ay ang Filipino world-class performers na sina Apl.de.Ap, Lani Misalucha, Jed Madela at TNT Boys.

Ang Boxing world champions naman na sina Manny Pacquiao at Nesthy Petecio ang magsisindi sa multi-milyong pisong cauldron na idinesenyo ni National Artist for Architecture Francisco “Bobby” Mañosa.

Dadalo sa opening ceremony si Pangulong Rodrigo Duterte para opisyal na ideklara ang pagsisimula ng palaro.

Mag-aagawan ng medalya sa 56 na sporting events ang mga bansa sa ASEAN.

Samantala, ipinasilip ni Palanca-award winning playwright Floy Quintos sa pamamagitan ng isang Facebook post ang finale ng opening ceremony mamaya.

Ipapakita anya sa final performance ang pagkakaisa ng bansa.

TAGS: 2019 Southeast Asian Games, Opening Ceremony, Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), 2019 Southeast Asian Games, Opening Ceremony, Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.