Kahabaan ng Taft Avenue inilawan ng Manila LGU

By Rhommel Balasbas November 30, 2019 - 12:22 AM

Tapos na ang tatlong taon na kadiliman sa kahabaan ng Taft Avenue.

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos pangunahan ang pag-iilaw sa kahabaan ng Taft Avenue, Biyernes ng gabi.

Nilakad ni Moreno ang kahabaan ng Taft at tuwang-tuwa na ipinakita sa publiko ang maliwanag na kalsada.

Sa mga taong sumalubong sa kanya, sinabi ng alkalde na ligtas na silang makapaglalakad.

Sa ambush ng interview ng mga mamamahayag, sinabi ng alkalde na bahagi ito ng pagsisikap ng Maynila na gawing mas malinis at mas maayos ang lungsod.

Ang pag-iilaw din anya ay tulong din ng lokal na pamahalaan sa pambansang gobyerno para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Isa ang Maynila sa venues ng regional meet.

Samantala, inilawan din ang kahabaan ng Vito Cruz Street.

Ayon kay Moreno, gagawin din ito ng lokal na pamahalaan sa iba pang lugar sa Maynila.


TAGS: #BagongMaynila, lighting, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Taft Avenue, #BagongMaynila, lighting, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Taft Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.