2,751 na delegado na ang nasa bansa para sa SEA Games – PNP

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 07:36 PM

Isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng 20th Southeast Asian Games, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan sa ipatutupad na seguridad.

Ayon kay Police Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, as of Nov. 29 ay nasa 2,751 na delegado na ang nasa bansa.

2,578 dito ay SEA Games participants at 173 naman ang iba pang foreign delegates.

Ayon sa PNP, wala namang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa pagdaraos ng SEA Games.

Tiniyak din ng PNP na irerespeto ang mga mapayapang pagkilos kung may nais maglahat ng sentimyento basta’t ginagarantyahan ng Saligang Batas.

Kumpiyansa ang PNP ayon kaky Banac na ang mga militant organization ay magpapakita din ng disiplina sa kanilang mass actions.

Iginiit naman ni Banac na ang mga pagkilos sa labas ng mga designated Freedom Park ay maituturing na ilegal.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, PNP, Radyo Inquirer, sea games, Sea Games delegates, Security, Tagalog breaking news, tagalog news website, PH news, Philippine breaking news, PNP, Radyo Inquirer, sea games, Sea Games delegates, Security, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.