#WALANGPASOK: Sorsogon nagsuspinde ng klase sa Lunes at Martes dahil sa TY Kammuri
Sinuspinde na rin ang klase sa Lunes at Martes, Dec, 2 at 3 sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa Typhoon Kammuri.
Ayon kay Dong Mendoza, Sorsogon media relations officer, iniutos ni Governor Francis ‘Chiz’ Escudero ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas.
Ipag-uutos din ni Escudero na siya ring pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga naninirahan sa low-lying areas bago pa man tumama ang bagyo.
Pinayuhan ni Escudero ang social welfare and development office na maghanda na ng food supply para sa mga ililikas na pamilya.
Target ng pamahalaang panlalawigan na makamit ang “zero casualty” sa pananalasa ng bagyong papangalanang “Tisoy” pagpasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.