#WALANGPASOK: San Juan City nagsuspinde ng klase sa ilang mga araw para sa SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 02:19 PM

Nagsuspinde na rin ng klase all levels, public at private sa San Juan City sa mga araw na may magaganap na events ng SEA Games sa Lungsod.

Sa Memorandum na nilagdaan ni San Juan City Mayor Francis Zamora, sa lungsod ng San Juan gagawin ang 3 on 3 Basketball games at E-sports events particular sa Filoil Flying Center.

Ang nasabing mga laro ay gaganapin sa December 1, 2, 5, 6, 7, 8, 9 at 10, 2019.

Ayon kay Zamora, sa mga school days na matatapat sa mga petsang may event ng SEA Games sa San Juan ay suspendido ang klase.

“Suspension of classes in ALL LEVELS for both public and private schools is hereby declared for the school days coinciding with the abovementioned game days in the City of San Juan,” ayon sa memorandum.

Pinayuhan din ang mga residente na suportahan ang mga palaro at ang mga panlaban ng Pilipinas.

Layunin din ng suspensyon na maibsan ang pagsisikip sa daloy ng traffic at matiyak na magiging maayos ang biyahe ng mga atleta at delegado.

TAGS: class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, San Juan City, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, San Juan City, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.