Panonood ng mga laro sa SEA Games libre na maliban lang sa mga event sa basketball, volleyball at football

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 01:46 PM

Libre nang makakapanood ng mga laro sa 30th Southeast Asian Games ang mga Filipino maliban lamang sa mga laro sa basketball, volleyball at football.

Ayon kay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano nagpasya ang komite na ilibre na ang lahat ng games maliban sa tatlong larong nabanggit.

Iaanunsyo aniya ng komite kung saan pwedeng kunin ang libreng tiket.

Magbibigay din ng libu-libong tiket ang komite sa mga lokal na pamahalaan maliban pa sa 10,000 tickets na ibibigay din ng libre para naman sa closing ceremony.

Hindi naman na ire-refund ang nagastos ng mga nauna nang nakabili ng tiket.

Ayon kay Cayetano, ikunsidera na lamang na kontribusyon nila ang ibinayad nila sa tickets.

TAGS: Free Games, PH news, Philippine breaking news, PHISGOC, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, Free Games, PH news, Philippine breaking news, PHISGOC, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.