Duterte tiwalang kayang tugunan ng militar ang Chinese security threats sa power grid

By Rhommel Balasbas November 29, 2019 - 06:48 AM

Minaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng banta sa seguridad ng pagkontrol ng isang Chinese state firm sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa press briefing sa Malacañang Huwebes (Nov. 28) ng gabi, sinabi ng pangulo na handa itong tugunan ng militar.

“May mga security issues, that can be handled by the military. Ako, ‘yung tower, pasabugin ko lang ‘yun. Putulin ko ‘yung cable, tapos na,” ani Duterte.

Ang pahayag ng presidente ay matapos maiulat na ang 40% ng NGCP ay pagmamay-ari ng State Grid Corporation of China.

Paliwanag ng pangulo, tiwala siya sa sinabi ng China na wala dapat ipangamba ang Pilipinas sa isyu ng seguridad.

Hindi naman nakaligtas si retired Senior Associate Justice Antonio Carpio kay Pangulong Duterte.

Si Carpio ay isa sa mga nagpahayag ng pangamba sa Chinese control sa NGCP.

Ayon sa pangulo, masyadong gigil sa China si Carpio pero mukha naman itong Chinese.

Isinalarawan pa ng presidente na parang kapatid ni Carpio si Mao Tze Tung.

“Carpio is trying to, he is so enamored with China. Ang disgrasya pa, ang mukha niya Intsik talaga. Look at Carpio…binabandera nya pagka Pilipino niya. Tingnan mo mukha niya. Parang kapatid sila ni Mao Tze Tung,” ani Duterte.

Ang NGCP na naitatag taong 2009 sa pamamagitan ng RA 9511 ay ang nasa likod ng operasyon, pagmintena at pagsasaayos sa power grid ng Pilipinas.

TAGS: China, ngcp, PH news, Philippine breaking news, power, power supply, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, China, ngcp, PH news, Philippine breaking news, power, power supply, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.