Pinay na food technologist at isang war heroine, tampok sa Google Doodle
Tampok sa Google Doodle ngayong araw ang Pinay na si Maria Orosa.
Si Orosa ay isang food technologist at isa ring war heroine.
Ngayong November 29 ang ika-126 na kaarawan ni Orosa.
Kilala si Orosa sa paggamit ng native na mga gulay at prutas at hinihimok ang publiko na tangkilikin ang agricultural products.
Nag-aral siya sa College of Pharmacy ng University of the Philippines.
Nakakuha siya ng scholarship sa University of Seattle at doon nagtapos siya ng bachelor’s at master’s degrees sa pharmaceutical chemistry at degree sa food chemistry.
Si Orosa din ang nakaimbento ng Banana ketchup.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.