Lacson: Wala pang alegasyon ng korapsyon sa SEA Games preparations
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na wala pang tahasang nambibintang ng katiwalian sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC sa ginawang paghahanda para sa 30th SEA Games.
Sa tweet ng Senador, sinabi nito na ang tanging malinaw ay ang mga reklamo ng mga atleta.
Aniya ang mga reklamo ay nagpapahiwatig ng kawalan o kakulangan sa karanasan sa paghahanda, gayundin ng pagiging hindi epektibo.
Banggit pa ni Lacson, maging si Pangulong Duterte ay gustong maituwid ang mga mali at maayos ang mga pagkukulang, bukod pa sa kagustuhan nitong maimbestigahan ang mga isyu.
Nobody is saying that PhiSGOC has committed corruption. We’re not there yet. What’s evident so far are the complaints aired by the athletes which project incompetence and inefficiency that the President, no less wants rectified and investigated.
— PING LACSON (@iampinglacson) November 28, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.