Pulis na dinapaan ang granada sa Misamis school pinupuri ang kabayanihan

By Radyo Inquirer News Team November 28, 2019 - 11:27 PM

Umaani na ng libu-libong papuri sa social media ang kabayanihan ng pulis na isinakripisyo ang buhay para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa Initao College sa Misamis Oriental.

Sa Facebook posts ukol sa insidente na nai-share ng Police Digest sa FB, PNP DPCR at PNP Good Deeds, pinuri ng libo-libong netizens, kasama na ang maraming pulis, si Police Master Sgt. Jason Magno at sinabing tunay na kabayanihan ang ginawa nito.

Tinangka ni Magno na awatin ang nag-aamok na si Ebrahim Ampaso Basher.

Pero sa pagbubuno ng dalawa ay naihagis ni Basher ang hawak na granada.

Dahil maraming estudyante at sibilyan sa paligid, minabuti ni Magno na dapaan ang granada para hindi na madamay ang mga tao sa paligid.

May 11 ang nasugatan sa pagsabog.

Napatay naman si Basher ng kasamang pulis ni Magno.

TAGS: bayani, Police Master Sgt. Jason Magno, bayani, Police Master Sgt. Jason Magno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.