PH Polo team nakaabante sa medal rounds ng 30th SEA Games
By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 03:05 PM
Nakaabante sa medal rounds ng 30th Southeast Asian Games ang Polo team ng Pilipinas.
Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), tinalo ng Pilipinas ang Indonesia sa laban nila na ginanap sa Iñigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas.
Wagi ang Philippine Polo team sa score na 6 – 4.5.
Dahil sa panalo may pagkakataon ang Polo team ng Pilipinas na makasungkit ng medalya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.