Imbestigasyon ng Malakanyang sa mga palpak sa SEA games walang sasantuhin

By Chona Yu November 28, 2019 - 02:19 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na walang sasantuhin ang ang Office of the President sa gagawing imbestigasyon sa mga kapalpakan sa Southeast Asian games.

Ito ay kahit na kaalyado pa ni Pangulong Rodrigo Duterte si House speaker Alan Peter Cayetano na tumatayong pinuno ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi uubra ang pagkakaibigan.

Wala aniya sa karakter ni Pangulong Duterte ang protektahan ang mga kaibigang nasasangkot sa korapsyon.

Kasabay nito, pinayuhan ng Palasyo ang PHISGOC na tanggapin ang mga kritisismo at batikos.

May punto aniya ang mga kritiko kung kaya makabubuting tanggapin na lamang ito at pagsumikapan na ayusin ang pag-organisa ng SEA games.

TAGS: Malakanyang, palpak, sea games, walang sasantuhin, Malakanyang, palpak, sea games, walang sasantuhin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.