LOOK: POGO service provider sa Paranaque ipinasara ng BIR
Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang POGO service provider sa Paranaque City.
Isinilbi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa ang closure order sa New Oriental Club 88 Corporation.
Ayon sa BIR ang main office ng nasabing kumpanya na nasa Makati City ay rehistrado sa agensya pero ang pasilidad nito sa Paranaque ay hindi rehistrado.
Karamihan sa trabahador ng New Oriental Club 88 na pawang Chinese nationals ay hindi na dinatnan sa lugar ng BIR.
Mahigit isang taon nang nag-ooperate ang naturang branch ng POGO nang walang rehistro.
Ipasasara din ng BIR ang iba pang branch ng kumpanya na hindi rehistrado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.