Pangulong Duterte, hindi na tuloy sa pag-inspeksyon sa biniling frigate sa Korea
Mapapaaga nang uwi ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ASEAN-Repoublic of Korea Commemorative Summit.
Ayon kay Defense secretary Delfin Lorenzana, hindi na kasi itutuloy ni Pangulong Duterte ang isang araw na extension na pananatili sa Korea.
Balak sana ng pangulo na personal na inspekyunin o tignan ang biniling frigate ng Pilipinas na BRP Rizal na kasalukuyang sumasailalim sa sea trials sa Busan.
Ayon kay Lorenzana, mismong si Pangulong Duterte na ang nagpasya na huwag nang ituloy ang orihinal na iskeduyl.
Nabatid na aabot sa P8 bilyon ang 351 by 46 foot frigate na bibilihin ng Pilipinas.
Ito na ang pinakamalakas na asset ng Philippine fleet at inaasahang maipapadala sa Pilipinas sa Abril o Mayo ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.