Contract lease ng Museo Pambata pinalawig ng Manila City Government
Pinalawig ng Manila City government ang contract lease ng Museo Pambata sa lungsod.
Nilagdaan ang kasunduan na nagpapalawig pa ng 25 taon sa contract lease ng Museo Pambata o hanggang sa October 2044.
Napagkasunduan din na magre-remit ng 10-percent mula sa admission fee revenues ng Muse Pambata sa Manila City Treasurer kada ika-20 ng bawat buwan.
Kabilang sa mga dumalo sa signing ay sina Manila Vice Mayor Honey Lacuna, Special Projects Chief, Arch. Joy Dawis-Asuncion, Chairperson of Museo Pambata, Dr. Nina Lim-Yuson, and President at CEO, Bambi Manosa-Tanjutco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.