P400K na halaga ng cocaine na kumpiska sa isang call center agent sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2019 - 09:28 AM

Nakumpiska ang P400,000 halaga ng cocaine mula sa isang drug suspek sa Makati City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police ang operasyon alas 12:30 ng Martes, Nov. 26 ng madaling araw sa Barangay Poblacion.

Naaresto sa naturang operasyon ang suspek na si Robert Baltazar na isang call center agent.

Maliban sa mga hinihinalang cocaine, nakuhanan din si Baltazar ng shabu na tinatayang P8,000 ang halaga.

Mahaharap sa kasong may kaugnayan sa pagbebenta ng ilegal na droga ang suspek.

TAGS: cocaine, drug suspect, makati city, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, cocaine, drug suspect, makati city, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.