Yellow alert maghapong iiral sa Luzon Grid dahil sa kapos na reserba sa kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2019 - 08:29 AM

Isinailalim muli sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philipines (NGCP) ang Luzon Grid.

Ito ay bunsod ng manipis na reserba sa kuryente sa Luzon.

Sa abiso ng Meralco, ang yellow alert ay mula alas 9:01 ng umaga ng Martes, Nov. 26 hanggang alas 8:00 ng gabi.

Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational power interruption bunsod ng yellow alert maliban na lamang kung may karagdagan pang planta ng kuryente na papalya.

Pinayuhan naman na ng Meralco ang mga korporasyon at establisyimento na kasabi sa kanilang Interruptible Load Program (ILP) na maging handa sa paggamit ng kanilang generator sets kung kakailanganin.

Para sa mga nasa bahay naman maaring gawin ang sumusunod na hakbang para makatipid sa kuryente:

1. Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kinakailangan.
2. Palaging linisin ang mga electric fan blades at aircon vents.
3. I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit.

TAGS: luzon grid, ngcp, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, power supply, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Yellow Alert, luzon grid, ngcp, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, power supply, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.