Pangulong Duterte nagpasalamat sa Korea sa tulong sa mga biktima ng lindol
Personal na ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasasalamat kay South Korean President Moon Jae- In dahil sa tulong na ibinigay sa mga biktima ng lindol sa Mindanao Region kamakailan.
Nabatid na umabot sa 100,000 dolyar ang ibinigay na tulong ng Korea sa Pilipinas.
Ginawa ng Pangulong Duterte ang pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang bilateral meeting ni President Moon.
Kasabay nito, inimbatahan na rin ng pangulo si Moon na bumisita sa bansa para sa isang state visit.
Tiniyak din ng pangulo kay Moon ang patuloy na pagiging mag partner ng Pilipinas at ng South Korea sa pagtataguyod ng peace and stability sa ASIAN region ganundin ang lalo pang pagpapalakas ng bilateral relations ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, ikaapat ang South Korea bilang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong 2018 kung saan umabot sa 13 billion dollars ang naging trading deal ng dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.