Water level ng Angat dam muling nadagdagan
By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2019 - 06:54 AM
Bahagya muling nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Nov. 26 ay 187.78 ang antas ng tubig ng Angat.
Mas mataas kumpara sa 187.75 kahapon.
Kapwa naman nabawasan ang water level ng Ipo dam (100.39 meters) at ng La Mesa dam (77.52 meters).
Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, at Caliraya dams.
Habang nadagdagan naman ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.