Isang tropical depression papasok ng bansa sa weekend
Isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, papasok ng bansa ang sama ng panahon sa weekend.
Ang susunod na bagyong papasok sa PAR ay pangangalanang ‘Tisoy’.
Ngayong araw, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang tail-end of a cold front sa Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.
Dahil naman sa northeast monsoon o Amihan, maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang inaasahan sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.