Duterte inimbitahan si Moon Jae-in na pumunta sa Pilipinas para sa isang state visit

By Rhommel Balasbas November 26, 2019 - 02:19 AM

Presidential Photo

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si South Korean President Moon Jae-in na pumunta sa Pilipinas sa 2020 para sa isang state visit.

Sa kanyang opening remarks sa bilateral meeting kay Moon sa The Westin Chosun Busan Hotel, sinabi ng Pangulo na patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa South Korea.

“I assure you that the Philippines will continue to find common cause and purpose with the Republic of Korea towards enhancing our bilateral engagement and promoting peace and stability in your region,” ani Duterte.

Sinabi naman ni Moon na ganito rin ang kanyang kagustuhan dahil ang mas malalim na ugnayan ay magreresulta sa mas malawak na kooperasyon para matamo ang pag-unlad.

“Based on our history of friendship and trust, the time is right for our two countries to think about elevating our relations to a strategic partnership. The elevation of our relations will pave the way for our two countries to engage in greater cooperation that will lead us to common prosperity,” ani Moon.

Nangako ang dalawang lider na palalakasin ang kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, imprastraktura, edukasyon, turismo at maging sa militar.

Ayon kay Duterte, ang South Korea ang fourth-largest trading partner ng Pilipinas at 13th biggest source ng foreign direct investments.

“Clearly, at no other time in our shared history have the bonds between our people this strong,” ayon sa pangulo.

Tinawag naman ni Moon na ‘future of ASEAN’ ang Pilipinas dahil sa pagganda ng ekonomiya nito sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

“The Philippines is the future of ASEAN as it continues to achieve an impressive growth rate six percent each year. Through our meeting today, I hope to strengthen my friendship with you and expand our bilateral cooperation to contribute further to the development of ASEAN,” ani Moon.

Samantala, pinasalamatan din ni Duterte si Moon dahil sa tulong na ibigay ng South Korea sa mga biktima ng Lindol sa Mindanao.

Ginugunita ng South Korea at Pilipinas ngayong 2019 ang ika-70 taon ng bilateral relations.

TAGS: 2019 Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea (ASEAN-ROK) Commemorative Summit, Philippines-South Korea bilateral relations, Rodrigo Duterte, South Korean President Moon Jae-in, state visit, 2019 Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea (ASEAN-ROK) Commemorative Summit, Philippines-South Korea bilateral relations, Rodrigo Duterte, South Korean President Moon Jae-in, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.