Go sinisi si Robredo dahil walang napatay na drug lords sa loob ng 19 araw sa ICAD

By Rhommel Balasbas November 26, 2019 - 12:42 AM

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na binulabog lamang ni Vice President Leni Robredo ang kampanya sa iligal na droga sa loob ng 19 na araw bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).

Sa panayam ng media, sinisi ng senador si Robredo dahil walang napatay na drug lord habang nakaupo ito sa ICAD.

Gusto anya ng mga tao na patayin ang drug lords dahil kung hindi ay hindi titigil ang mga ito sa kanilang masamang gawain.

“Imbes na makatulong sa kampanya sa iligal na droga mas lalo pong binubulabog ang trabaho. Sa dalawang linggong yan, meron bang namatay na drug lord? E yun ang gusto ng tao. Patayin ang mga drug lord. Kung hindi, hindi titigil ang mga yan. Kailangan patayin mo yung mga drug lord para tumigil ang droga,” ani Go.

Paliwanag ni Go, sinibak si Robredo sa trabaho dahil sa kawalan ng tiwala ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Papano mo pagkakatiwalaan yung mga pumoposiyong opposition at bibigyan mo ng napaka sensitibong trabaho bilang ICAD chair?” ani Go.

“At maraming sensitibong impormasyon ang nandyan na aalamin mo tapos ipapasa mo ngayon sa ibang bansa. Icocompromise mo ngayon yung mga law enforcers at saka yung mga nagttrabaho labanan ang illegal na droga. In short, walang tiwala si Pangulong Duterte,” dagdag ng senador.

Sinabi ng senador na puro ‘talk’ lang ang ginawa ni Robredo imbes na ipagpatuloy ang Oplan Tokhang.

“Ibinigay niya (President Rodrigo Duterte) ang offer kay Vice President na subukan mo ganito ang trabaho. Instead na ipagpatuloy ang Tokhang ay puro po talk lang ang nangyayari,” ani Go.

Kailangan anya ng kamay na bakal sa kampanya laban sa iligal na droga at pagpapatayin ang mga sangkot dito.

“Itong kampanya laban sa droga, kailangan kamay na bakal. Hindi pedeng puro talk lang tayo dito, puro storya kailangan takutin mo talaga mga yan, kailangan patayin. Kundi walang mangyayari sa ating bansa,” giit ni Go.

TAGS: drug war, Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD), no drug lords killed, Senator Christopher ‘Bong’ Go, VP Leni Robredo, drug war, Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD), no drug lords killed, Senator Christopher ‘Bong’ Go, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.