Konstruksyon ng Calbayog Airport, nasa 77 posyento nang tapos
Nasa mahigit 77 porsyento nang tapos ang konstruksyon ng Calbayog Airport.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hanggang araw ng Lunes (November 25), nasa 77.38 porsyento nang kumpleto ang nasabing paliparan.
Patuloy ang pagsasagawa ng bagong Passenger Terminal Building (PTB) na mayroong shed, pagpapalawak ng apron, bagong taxiway, drainage system at site development.
Sinabi ng kagawaran na itinuturing ang paliparan bilang “complementary gateway” ng Tacloban Airport sa Eastern Visayas.
Makatutulong kasi anila ito hindi lamang sa mga residente at bisita ng Samar province, kundi maging sa mga nakatira sa Northern at Eastern Samar.
Maliban dito, makakalapag na ang mas malalaking eroplano at posibleng dumami ang araw-araw na biyahe ng eroplano mula at patungong lungsod.
Dagdag pa ng DOTr, inaasahang makakatulong ang proyekto sa pag-unlad ng ekonomiya sa buong Eastern Visayas region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.