3 patay sa pagguho ng elevated highway sa France
Sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan nitong weekend, bumigay ang isang elevated highway sa France, Italy.
Tatlo ang nasawi sa pagbagsak ng naturang highway na may habang 30-meters at malapit sa coastal city na Savona na nakaranas ng pagbaha.
Ayon kay Liguria Gov. Giovanni Toti, agad rumesponde ang mga bumbero at bomb sniffing dogs para masigurong wala nang naipit sa bahagi ng nag-collapse na highway.
Maraming lugar sa Italy ang binaha bunsod ng pag-ulan nitong weekend.
Sa Turin City, kinansela ang nakatakdang marathon bunsod ng pagbaha.
Noong Sabado, itinigil ang operasyon sa Nice airport sa France dahil din sa pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.