8 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Quezon City
Natupok ng apoy ang apat na bahay sa sunog na sumiklab sa Sta. Mesa Heights, Brgy. San Isidro Labrador, Quezon City, Linggo ng gabi.
Ayon kay Bureau of Fire Protection – QC Chief of Operations, Sr. Insp. Joseph Del Mundo, nagsimula ang sunog sa ground floor ng isang bahay na walang kuryente.
Wala ang may-ari ng naturang bahay nang sumiklab ang sunog.
Pinaniniwalaang ang naiwan nilang kandila ang sanhi nito.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula.
Walong pamilya ang nawalan ng tirahan at umabot ang pinsala sa ari-arian sa P20,000.
Maswerte namang walang namatay o nasugatan sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.