Presyo ng mga produktong petrolyo ini-rollback

By Rhommel Balasbas November 24, 2019 - 11:43 PM

Good news sa mga motorista!

Sinimulan nang i-rollback ang presyo ng mga produktong petrolyo nitong weekend.

Alas-4:00 ng hapon ng Linggo, nagpatupad ang Cleanfuel ng P0.20 na tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel.

Ganito rin ang rollback ng Shell at Petro Gazz sa diesel at gasolina epektibo alas-6:00 ng umaga ng Martes.

May tapyas din na P0.10 ang Shell sa kada litro ng kerosene o gaas.

Inaasahang mag-aanunsyo ngayong araw ng Lunes ng kanilang price adjustments ang iba pang kumpanya ng langis.

Ito na ang ika-siyam na linggong may rollback sa presyo ng diesel.

Simula October 1, umabot na sa P2.70 kada litro ang kabuuang nabawas sa presyo ng diesel habang halos P4 naman sa gasolina.

TAGS: 9th straight week, BUsiness, oil price rollback, petrolyo, 9th straight week, BUsiness, oil price rollback, petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.