Kontraktuwalisasyon, dahilan ng pagtaas ng joblessness rate sa Pilipinas – KMU
Isinisi ng grupong Kilusang Mayor Uno ang kontraktuwalisasyon at kakulangan ng Filipino industries sa kawalan ng trabaho ng ilang Filipino.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni KMU chairperson Elmer Labog na ang 10 milyong unemployed na Filipino ay sumasalamin sa aniya’y “underdeveloped” na ekonomiya.
Kulang din aniya ang mga industriya sa Pilipinas na makapagbibigay ng trabaho sa mga Filipino.
Aniya pa, nabibigo ang gobyerno sa pagbibigay ng trabaho dahil sa pagpapatuloy ng implementasyon ng kontraktuwalisasyon.
Batay kasi sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 2.7 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho dahil hindi ni-renew ng employer ang kanilang kontrata.
Dahil dito, ani Labog, job security ang isa sa pinaka-problema ng mga trabahador.
Iginiit pa nito na matagal na nilang hinihikayat ang gobyerno sa pagtitigil ng kontraktuwalisasyon.
Dagdag pa nito, nagsasagawa ng mga kilos-protesta ang mga trabahador para ipaglaban ang kanilang regular na trabaho na nagsisilbing pang-punan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.