Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos mapagkamalan na inimbitahan nito si human rights advocate Phelim Kine at mga taga-United Nations (UN) para imbitihan ang drug war campaign ng administrasyon.
Ayon sa pangulo, napaniwala siya sa false news o maling balita.
Dagdag ng pangulo na napag-alaman niyang mali ang kaniyang akusasyon kay Robredo nang pabulaanan ng bise presidente sa mga media interview na hindi niya inimbita ang mga taga-UN at iba pang human rights group.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na humihingi siya ng dispensa sa bise presidente.
“There must have been false news. If I believed in false news, it is still news. And you only learn it is false after it has come up news iyan, so if she says that’s false news, ako I believe her and I am sorry because I said you only realize that is false news when the news comes out and you hear it and you talk about it, you react to it, that is the problem,” ani Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.