PCG, NBI inaresto ang crew members ng barko na may dalang nakalalasong kemikal mula South Korea
Naaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kapitan at crew ng isang merchant ship na mayroong kargang 53,000 tonelada ng nakalalasong kemikal mula sa South Korea noong Biyernes, November 22.
Batay sa ulat ng National Coast Watch Center (NCWC), nagtungo ang PCG at NBI sa Cabangan Wharf sa Cabangan, Zambales para mahuli ang Liberian-flagged ship.
Lulan ng barko ang nakalalasong kemikal na phospho gypsum.
Mula sa Gwangyang Port, dadalhin sana ang kemikal sa San Mateo, Rizal.
Pagkadating sa Zambales, agad hiningan ng mga otoridad ang kapitan ng barko ng cargo permits ngunit wala itong naipakita.
Dahil dito, agad ipinag-utos ang paghihintao ng unloading operation dahil sa paglabag sa Republic Act 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 at Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Nagsagawa pa ang PCG ng investory sa mga gamit sa barko at iba pang sasakyan na sangkot sa unloading operation.
Dinala naman ang kapitan. crew members at maging ang crane operators sa NBI headquarters sa Maynila para sa isasagawang mas malalim na imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.