667 NPA fighters sumuko sa Eastern Mindanao simula noong Enero

By Jan Escosio November 22, 2019 - 06:54 PM

Iniulat kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Noel Clement ni Lt. Gen. Felimon T. Santos Jr., ang commander ng Eastern Mindanao Command (EMC) na umabot sa 667 regular NPA fighters ang sumuko sa rehiyon mula noong Enero.

Sa pagdalaw ni Clement sa Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao, iniulat din Santos na 56 miyembro ng NPA ang napatay simula unang buwan ng taon hanggang nitong Nob. 20.

May naaresto din na 82 rebelde at pagsuko ng 967 miyembro ng Militia ng Bayan (MB) at pagbawi ng suporta sa NPA ng 4,191 miyembro ng mga tinaguriang Mass Organizations (UGMOs).

Nakakumpiska din ang AFP Eastern Mindanao Command ng 993 iba’t ibang uri ng baril at pagkakakumpiska ng 232 landmines.

May 51 barangays din sa rehiyon ang naideklarang NPA-cleared.

TAGS: AFP, Eastern Mindanao, NPA, NPA-cleared, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, Eastern Mindanao, NPA, NPA-cleared, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.