Pang-iinsulto kay VP Robredo dapat tigilan – Sen. Pangilinan
Manabubuti na bawiin na lang kay Vice President Leni Robredo ang trabaho bilang anti-drug czar kung patuloy din naman itong iinsultuhin.
Ito ang sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa mga pahayag ng Malakanyang at kaalyado ni Pangulong Duterte laban kay Robredo.
Ayon kay Pangilinan kung hindi pinagkakatiwalaan si Robredo pakiusap nito ay huwag na lang itong imbentuhan ng mga kuwento.
Dagdag ng senador maaring hindi inakala ng mga kaalyado ng Malakanyang na tatanggapin ni Robredo ang hamon na pamunuan ng kampaniya kontra droga kayat iniintriga nila ito.
Sinabi pa nito dapat din tigilan ang paninira at pananakot na babawiin kay Robredo ang bagong posisyon nito.
Pagdidiin din ni Pangilinan hindi kapit tuko sa kanyang bagong puwesto si Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.