Klase sa Angeles City sinuspinde mula Dec. 2 hanggang 6 dahil sa SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 04:57 PM

Limang araw na walang pasok sa Angeles City sa Pampanga bunsod ng idaraos na Southeast Asian Games sa bansa.

Sa memorandum na nilagdaan ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin sinuspinde ang klase sa lungsod sa lahat ng antas mula December 2 hanggang 6.

Sakop ng class suspension ang mga pampubliko at pribadong eskwelahan.

Habang para sa mga pampublikong paaralan naman ay suspendido rin ang pasok ng mga empleyado ng eskwelahan.

Ayon kay Lazatin, bilang pagsuporta na din ito sa mga atletang Pinoy na kakatawan sa Pilipinas sa SEA Games lalo at maraming event ang magaganap sa Angeles City at sa Clark Freeport Zone.

TAGS: Angeles City, class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walangpasok, Angeles City, class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.