Sigarilyo at vape bawal sa lahat ng SEA Games venues

By Dona Dominguez-Cargullo November 22, 2019 - 12:22 PM

Mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo at paggamit ng vape sa lahat ng venue para sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ay kasunod ng verbal order ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na rin ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Brig. Gen. Debold Sinas, huhulihin ang mga gagamit ng vape sa SEA Games venues at ipapa-blotter.

Ang mga vape o e-cigarettes naman ay kukumpiskahin.

Hindi naman ilegal ang pagdadala lang o pagbibitbit ng vape.

Aplikable ang direktiba sa mga dayuhan na kalahok sa SEA Games ayon kay Sinas.

TAGS: NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, vape, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.